Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang 28th birthday ang Asia's Outstanding Star na si Kathryn Bernardo kasama ang ilang malalapit na kaibigan at katrabaho, kabilang na ang mga nakasama sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye."

Kasama rin sa kaniyang selebrasyon ang award-winning actor na si Jericho Rosales, na lately ay napapadalas ang komento sa kaniyang Instagram posts, at tila bini-build up daw ang rapport dahil baka magsasama raw sila sa proyekto.

Ibinida ni Kathryn ang video ng summary ng kaniyang birthday celebration na ginanap sa isang yate, at pagkatapos ay dinner party kinagabihan. Ang video ay gawa raw ng dating child star na kasamahan sa "Goin' Bulilit" na si John Manalo, na hindi na masyadong aktibo ngayon sa showbiz.

Aniya sa caption, ito raw ang "happiest" birthday celebration niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"WHAT A DAY! Didn’t want it to end. Keeping these moments in my core memory forever. 🥹," ani Kath.

"Thank you for making this my happiest birthday to date. Cheers to 28! 🤍🥂," aniya pa.

Ito ang unang beses na nag-celebrate si Kathryn ng birthday na wala ang dating boyfriend at reel love team na si Daniel Padilla.

Kaya tanong tuloy ng mga netizen sa iba't ibang comment section ng pages na nag-ulat nito, nang mawala sa landas niya si Daniel ay naging happiest na ang kaniyang birthday?

"Huy happiest bday raw hahaha, kasi ito yata ang first time bday celeb na single na siya..."

"Wala si D hahaha, siyempre alangan naman invited pa siya..."

"happiest talaga kasi wala 'yong isa at na-invite niya ang mga taong dati, hindi naman nakakapunta sa bday niya..."

"May Alden na, may Jericho pa... eh kung nandiyan si Deej, malamang wala sila 'di ba?"

Samantala, usap-usapan naman ang tila "low-key" na pagbati ni Daniel para sa kaarawan ng kaniyang ex-jowa, na makikita sa kaniyang Instagram story.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, bumati sa kaarawan ni Kathryn Bernardo?