3 Chinese na blacklisted, dinakip sa NAIA
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang tatlong Chinese na nasa "blacklist" ng ahensya makaraang tangkaing lumabas ng bansa kamakailan.
Ang mga naarestong dayuhan ay pansamantalang nakapiit sa detention center ng BI sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.
Kabilang sa mga inaresto sina Yu Yang, Wang Bo, at Zhang Yong.
Patungo na sana sa Hong Kong ang tatlo nang matiyempuhan ng mga tauhan ng Immigration dahil sa kanilang derogatory record noong 2023, ayon pa sa BI.