Matapos ang muling pag-atake ng China kamakailan, nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi isusuko ng pamahalaan ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Marso 28, sinabi ni Marcos na noong mga nakaraang araw ay nakipagkita siya sa security at defense officials, at nakipag-ugnayan sa kinatawan ng mga internasyonal na kaalyado na nagpahayag ng kanilang suporta sa gobyerno ng Pilipinas laban sa China.

“They have offered to help us on what the Philippines requires to protect and secure our Sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction while ensuring peace and stability in the Indo-pacific. I have given them our requirements and we have been assured that they will be addressed,” ani Marcos.

“Over the succeeding weeks there shall be, implemented by the relevant national government agencies and instrumentalities, a response and countermeasure package that is proportionate, deliberate, and reasonable in the face of the open, unabating, and illegal, coercive, aggressive, and dangerous attacks by agents of the China Coast Guard and the Chinese Maritime Militia,” dagdag pa niya.

National

Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang

Giit pa ng pangulo, hindi naghahangad ang Pilipinas na magkaroon ng kaalitan, ngunit hindi umano ito tatahimik kapag inaatake ito.

“We seek no conflict with any nation, more so nations that purport and claim to be our friends but we will not be cowed into silence, submission, or subservience,” ani Marcos.

“Filipinos do not yield,” saad pa niya.

Matatandaang noong Sabado, Marso 23, muling umatake ang CCG at Chinese Maritime Militia sa rotation at resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

MAKI-BALITA: Pambu-bully, tuloy pa rin: PH resupply boat, binomba ng tubig ng China Coast Guard

Dahil dito, pinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Charge d’affaires ng Chinese Embassy in Manila noong Lunes, Marso 25, bilang pagprotesta umano sa naturang naging agresibong aksiyon ng China laban sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: DFA, pinatawag Charge d’affaires ng Chinese Embassy: ‘China has no right to be in Ayungin’