Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Marso 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:35 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 261 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 75 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.