Ipinakita na sa Instagram page ng "Family Feud Philippines" ang teaser ng paglalaro ng piling "It's Showtime" host na kinabibilangan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Amy Perez, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Mapapanood ang Showtime hosts sa Abril 8 batay sa caption. Sa Abril 9 naman, ang hosts ng "The Boobay and Tekla Show."

"Join the hosts of IT’S SHOWTIME and THE BOOBAY AND TEKLA SHOW as they step into the Family Feud spotlight this April 8 and 9!" mababasa sa caption.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Bahagi pa rin ito ng promosyon ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa timeslot na binakante ng "Tahanang Pinakamasaya." Mapapanood ito hindi lamang sa GTV kundi sa main GMA Network na rin.

Ngunit ang mga netizen, may isang host na hinahanap at bakit hindi raw kasama sa line-up.

Walang iba kundi si Karylle na ex-girlfriend ni Dingdong Dantes, bago mapangasawa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

"Bakit wala si k"

"Wala na naman si Karylle? Haha."

"Wala si Karylle"

"Sana sinama si Karylle para riot talaga hahahaha."

"Where's Karylle? Lagi siyang wala."

Matatandaang nang bumisita ang DongYan sa It's Showtime para i-promote ang pelikula nilang "Rewind" ay absent din si Karylle dahil daw sa health issues.

MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?

MAKI-BALITA: Karylle may sakit kaya absent sa Showtime; minalisya ng mga intrigera

MAKI-BALITA: Rehearsal o sakit? Vice Ganda ‘nadulas’ kung bakit absent si Karylle

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Karylle tungkol dito.