Nakakaloka ang rebelasyon ng batikang aktres na si Elizabeth "La Oro" Oropesa sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Marso 26, nang maurirat siya ni Boy Abunda tungkol sa leading men na masasabi niyang pinakamasarap humalik.

"Sa lahat ng mga naging leading men mo, sino ang pinakamahusay humalik?" tanong ni Boy. "Kasi sabi mo mahusay kang humalik?"

"Oo... sabagay... maniwala ka sa hindi, si Kuya Ronnie (Fernando Poe, Jr.). Yeah... kita mo, ngayon revelation 'yan, ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan (Roces), nahiya naman ako baka pa pagdudahan," ani La Oro.

"Best kisser, lips my God so soft... kasi disente siya humalik... very tender, very loving, basta napakasarap! Kung siya ay tsokolate, Belgian. It melts in your mouth..."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ilang beses na ring nagkasama sa isang pelikula sina FPJ at La Oro. Ilan dito ay "Aguila," "Bontoc," at "Alupihang Dagat."