Usap-usapan ng mga netizen sa X ang aktres na si Kim Rodriguez at basketball player na si Marc Pingris dahil daw sa isang blind item na mababasa sa "Reddit."

Batay rito, iniintriga ng mga netizen ang dalawa na tila magkasama raw sa Sydney, Australia dahil sa pagkakapareho ng kanilang background sa larawan, sa Sydney Opera House.

Ibinahagi pa ito ng X user na nagngangalang "Auntie Selina" kung saan makikita ang screenshot na larawan mula sa Instagram story ni Marc.

"Marc Pingris," simpleng caption nito.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Mababasa naman sa text caption ng larawan ni Marc, "Wag kang bibitaw sa buhay na to!!"

https://twitter.com/auntieselinamo/status/1772858709909106703

Si Marc ay kasal sa aktres na si Danica Sotto, anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Sila ay may dalawang anak, isang babae at isang lalaki.

Sa comment section ay mababasa naman ang sumusunod na mga reaksiyon at komento:

Sey ng isang commenter na may screenshot naman ng Instagram post ni Kim, "Dont know if nagkataon lng... nbasa ko sa reddit about sa knila ni MP... dont know lng..."

https://twitter.com/DeeRaa242334975/status/1772868500282916883

"sana hindi totoo, nakakalungkot naman kung totoo 😭😭😭😭"

"Baka nagkataon lang?"

Samantala, makikita pa sa Instagram post ni Kim ang nabanggit na larawan.

"Sydney's dynamic duo: Opera House and Harbour Bridge making waves in the cityscape. 🌊🏛️," caption dito ni Kim.

Sa comment section naman ay dinumog ng mga mapang-urirat na netizen si Kim.

"Who’s here because they read the tea from reddit and twitter?"

"sino kaya ang kasama mmh"

"Baka nov last year pa to,iykyk😂"

Bukod sa mga nabanggit na larawan ay wala nang iba pang resibong kumakalat kaugnay ng isyung ito, kaya kung tutuusin, nakakaloka ang pagiging malisyoso ng mga netizen.

Samantala, nakipag-ugnayan naman ang Balita kay Ogie Diaz, ang talent manager ni Kim. Aniya, magbibigay raw siya ng komento tungkol dito sa kaniyang showbiz/entertainment vlog na "Showbiz Update."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Marc tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.