Hindi raw malabong mahulog ang loob ni Elizabeth “La Oro” Oropesa sa kaniyang kapuwa  batikang aktres na si Alma Moreno.

Sa latest episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Martes, Marso 26, inusisa ni Boy ang tungkol sa kissing scene nina Elizabeth at Alma sa pelikulang “Si Malakas, si Maganda, at si Mahinhin.”

In fact, ayon kay La Oro, sa lahat ng eksena sa pelikula, ang tukaan nila ni Alma ang pinakanatatandaan niya.

“Take one lang ‘yon. Alam mo, nakuha namin ng take one. She’s very beautiful. If I’m a lesbian, I’d fall in love with Alma. My goodness! Lalo na no’ng kabataan niya, ‘di ba?” ani La Oro.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

“I agree,” sabi naman ni Boy.

“So it was not difficult at all,” sabi pa ng aktres.

“So, take one ‘yon?”

“Take one ‘yon. Cut na nga ‘di pa naka-cut,” biro pa ni La Oro. Humagalpak tuloy sila ni Boy ng tawa.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay ibinuking naman niya kung sino ang pinakamasarap humalik sa lahat ng kaniyang naging leading man.

MAKI-BALITA: ‘Parang Belgian chocolate!’ FPJ masarap humalik, buking ni La Oro