Nagsalita na si showbiz insider Ogie Diaz matapos umano siyang uriratin ng mga netizen tungkol sa ina ng panganay ni award-winning actor Baron Geisler nitong Lunes, Marso 25.

Sa isa kasing vlog ni Ogie ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapanayam si Baron at inamin doon ng aktor ang tungkol sa nauna niyang anak na babae.

Kaya para tuldukan na pangungulit ng mga netizen, kinumpirma ni Ogie sa latest episode ng “Showbiz Updates” na kilala umano niya ang ina ng anak na babae ni Baron.

“Kilala ko. Pero bilang respeto na pakiusap ni Baron na huwag ko nang banggitin na baka hindi rin naman gusto ng kabila na banggitin ang pangalan, e, nirespeto ko,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Ang napag-usapan lang namin ‘yong pagkakaroon niya ng anak doon na ngayon ay 16 years old. At nakita ko ‘yong mukha, napakagandang bata. At plakado. ‘Di mo maide-deny na anak nga ito ni Baron,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz insider:“Saka ako naman, dapat with a heart tayo. ‘Di naman lahat, kailangan natin ilabas dahil gusto lang nating maka-scoop.”

Kaya naman, hindi niya raw papangalanan pa ang aktres na ina umano ng unang anak ni Baron dahil mismong sa showbiz columnist na si Cristy Fermin daw ay ayaw nitong magpabanggit.

MAKI–BALITA: Baron Geisler, kabado sa paghaharap nila ni Ogie Diaz

MAKI-BALITA: Baron Geisler, takot sa asawa: ‘Matapang ang mga Bisayang babae’