Isiniwalat ni Rita Avila ang dahilan ng kaniyang pag-aartista nang kapanyamin siya ng kaniyang kapuwa aktres na si Snooky Serna nitong Linggo, Marso 24.

Sa isang bahagi ng latest vlog ni Snooky, tinanong niya kung anong klaseng bata ba si Rita noon kaya binalikan nito ang naturang bahagi ng kaniyang buhay. 

“Happy pero parang ano rin, dramatic childhood life. May mga wounds both parents, ganyan. So, syempre ako ‘yong witness sa wounds nila. So, it was kind of difficult din,” saad ni Rita.

“But I think it made me see life. [...] When I was 11, ako ang nagsabing maghiwalay na sila.  Kasi it was hard. Lagi silang on and off, on and off. Ganyan,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ni Rita: “Tapos kunwari, makikitira kami sa kapatid ng mommy ko. Tapos babalik ulit kami sa bahay. Overwhelming. Magulo, e. Magulo ‘yong mga eksena sa bahay kaya siguro ako naging artista.”

Bilang only child, mahirap tuloy para kay Rita na dalhin ang impresyon ng ibang tao na tila siya ang may kasalanan kung bakit naghiwalay ang kaniyang mga magulang habang siya’y lumalaki.

Gayunpaman, ayon nga kay Snooky, ang mga magulang maski tumanda na ay may natitira pa ring kapiraso ng kamusmusan sa loob ng kanilang mga pagkatao.