Naglabas na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Holy Week schedule ng kanilang lottery draws nitong Lunes.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na mula Marso 25, Lunes Santo, hanggang Marso 27, Miyerkules Santo, ay magkakaroon pa sila ng regular draw at regular selling period sa mga lotto outlets.

Mula naman Marso 28, Huwebes Santo, hanggang Marso 31, Linggo ng Pagkabuhay, ay wala nang scheduled draw at selling period sa mga lotto outlets.

Gayunman, ang kanilang electronic lotto ay magpapatupad pa rin ng 24-hours continuous selling.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Magbabalik naman umano ang regular draw at selling period sa mga lotto outlets ng PCSO sa Abril 1, 2024.

May be an image of text