Nagdulot ng katatawanan sa social media ang napansin ng social media personality na si "Jomar Yee" matapos niyang mapansing tila "pinagbiyak na bunga" o magkahawig sila ni "Shaira Moro" o tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop, na nasa kontrobersiya ngayon dahil sa kaniyang mga awiting tila katunog daw sa mga kanta ng mga artist sa ibang bansa.

Si Jomar, ay gumawa ng isang parody video kung saan ginaya niya si Shaira.

"ipa kmjs na natin to beh Shairaa baka kambal talaga tayo di lang natin alam 🤣," caption ni Jomar sa kaniyang Facebook post kalakip ang edited photo nila ni Shaira, kung saan makikitang ipinagtabi ang kanilang mukha.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa latest FB posts naman ni Jomar ay mukhang "lumipad na ang team" ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) para pagtagpuin silang dalawa kaya nakaabang na ang mga netizen sa pagkikita ng "kambal."

Sang-ayon naman ang mga netizen na magkamukha raw silang dalawa, at mukhang kailangan silang isailalim sa DNA test, katulad ng ginagawa ng programa sa ilang mga naitatampok nila.

MAKI-BALITA: Matapos sa ‘Selos:’ Isa pang cover song ni Shaira, katunog sa kanta ng Indonesian band