Kamakailan lamang, napabalita ang tungkol sa isang babaeng guro na umano'y naaktuhan ng kaniyang mister at anak na lalaki habang nakikipagtalik sa kaniyang lover, sa loob mismo ng isang silid-aralan sa isang pampublikong paaralan sa Aringay, La Union.

Saad sa ulat ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi ng sadyain ng mister at kanilang anak ang paaralan kasama ang pulisya, sa pamamagitan ng kapitan ng barangay, upang hulihin sa akto ang kaniyang misis na balak daw niyang sampahan ng kaso.

Bukod dito, ang nabanggit na guro ay may kinahaharap na administrative complaint din na inihain sa Department of Education (DepEd) Regional Office, sa kaso naman ng pananampal sa isa sa mga estudyante niya.

Tila "nawindang" naman ang mga netizen sa balitang ito lalo't kamakailan lamang ay naging hot topic sa social media ang isang public school teacher na tumalak sa kaniyang pupils habang naka-live.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinaan na lang sa pabirong hirit ng mga netizen ang tungkol sa balitang ito.

"Baka naman tutorial ng sex education kayo naman!"

"Mekus mekus lang ginagawa nila hahaha."

"Grabe si teacher ang wild, gusto pa ng outdoor..."

"Grabe Teacher & Student Naughty School at Night Classroom To The Vivamax."

"Baka naman rehearsal ng stageplay hahahaha."

"Mekus mekus classroom edition."

"Evening class yarn hahaha."

"Free tutorial yan hahaha."

Samantala, wala pang update mula sa DepEd kung ano ang mangyayari sa lisensya ng guro gayundi sa kasong isasampa sa kaniya ng mister.