Wala na namang nanalo sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Ikinatwiran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 40-36-35-26-03-37 na may katumbas na premyong aabot sa ₱158,629,540.40.

Inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang jackpot nito sa susunod na draw.

National

Neri Colmenares, first nominee ng Bayan Muna Party-list sa 2025 elections

Huling napanalunan ang 6/55 Grand Lotto nitong Enero 17 nang mahulaan ang 6 digits na number combination na 24-50-52-09-51-03. 

Mahigit sa ₱698.8 milyon ang naiuwi ng nasabing mananaya, ayon pa sa PCSO.

Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.