Bukas nga ba si “It’s Showtime” host Kim Chiu sa posibilidad na makatrabaho si Kapuso actor Xian Lim matapos ang kanilang hiwalayan?

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News nitong Huwebes, Marso 21, sinagot ni Kim ang tungkol sa bagay na ito.

“Okay lang naman, mag-guest siya sa ‘Showtime’ or mag-prod siya. Hindi naman kami magkaaway,” saad ni Kim.

Bukod pa rito, isiniwalat din ni Kim ang mga GMA artist na bet niyang makatrabaho gaya nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Marian Rivera, Barbie Forteza, at Jennylyn Mercado.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Bahagi na kasi ng GMA Network ang “It’s Showtime” matapos ang contract signing ng ABS-CBN na ginanap noong Miyerkules, Marso 20.

In fact, mapapanood na ang naturang noontime show simula sa Abril 6, Sabado, mula 12 ng tahnghali hanggang 2:30 ng hapon.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

Matatandaang kinumpirma nina Xian at Kim ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’