Muling bumisita kay Boss Toyo ang umano’y ex-lover ni Francis “Kiko” Magalona na si Abegail Rait kasama ang umano’y anak nila na si Gaile Francesca.

Sa panibagong episode ng Pinoy Pawnstars, dala-dala nilang mag-ina ang anim na larawan na kinunan mismo umano ni Kiko nang nabubuhay pa ito.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Member siya ng Camera Club of the Philippines so of course mahilig siya [Francis M.] sa photography kaya siya member doon so those photos are captured during our trips together,” paliwanag ni Abegail.

Kinunan daw ang ilang larawan sa Vietnam, Pampanga, at Cebu.

Prinesyuhan naman ito ni Abegail ng P600,000 ang anim na larawan, na lumalabas P100,000 ang isa.

“Take or leave it,” hamon pa ni Abegail kay Boss Toyo. “Joke lang. Hindi ko siya binebenta.”

“Ano ‘to ipapakita mo lang dito, iyayabang mo lang? Mayabang din ‘to eh ‘no. Ano iinggitin mo lang kami?” hirit naman ni Boss Toyo.

“So joke lang ‘yon. Gusto ko talagang ibigay ‘to sa inyo as a token of appreciation,” sambit ng ex-lover ni Kiko.

“Talaga? Totoo? Hindi ko tatanggihan, deal agad. Hindi nga?” sey naman ni Boss Toyo na hindi pa rin makapaniwala.

“Gusto kasi namin i-share sa pamamagitan mo ulit itong memorabilia na ito. And siyempre looking forward pa rin ako sa tinatayo mong museum. So, to commemorate,” paliwanag ni Abegail.

Sa huli kahit na hindi makapaniwala, buong puso itong tinanggap ni Boss Toyo.

Matatandaang nakilala sina Abegail at Gaile Francesca nang lumantad sila sa publiko bilang ex-lover at anak ni Kiko.

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?