Isang netizen ang nangahas magsabi sa Australian singer-songwriter na si Lenka na dapat daw nitong pasalamatan si “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro.

Sa Instagram post ni Lenka noong International Women’s Day, matatagpuan ang isang komento na tila may tono ng panunumbat.

“Hi you should be thankful to shaira because your song is trending now,” saad ng netizen sa comment section.

Dagdag pa niya: “Tbh i don’t even know that you are singer.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Screenshot from Lenka (IG)

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga kapuwa niya netizen ang kaniyang komento. Narito ang ilan sa kanilang mga hanash:

"Do you have any idea what intellectual property means? Lenka is only protecting what is hers. It's not about being ungrateful. That's it"

"no need. ❤️ shaira should thank her bcz of lenka's music, she is trending 🤮 tell shaira to make her own music."

"Squammy behavior 🔥"

"if someone steals your belonging and became popular because of the robbery, would you say thank you to the thief?"

"Pilipino din pala ang hihila sa kanya pa baba....daming inggit lol"

"maybe you don't know the word originality right?"

Matatandaang noong Marso 8 ay naitala ang “Selos” bilang number 1 sa Spotify Viral Songs PH.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop

Pero nitong Martes, Marso 19, naglabas ng opisyal na pahayag ang record label ni Shaira dahil umano sa copyright issue ng nasabing kanta.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform