May inamin si “Eat Bulaga” host Miles Ocampo tungkol sa kanila ng ex-jowa niyang si Elijah Canlas.

Sa ginanap na media conference ng programang “Padyak Princess” ng TV5, eksklusibong nakapanayam ng Frontline Pilipinas si Miles.

Isa sa mga nausisa sa aktres ay kung kasama niya raw ba si Elijah nang magbakasyon siya sa Hongkong.

Sa isang video kasi na ibinahagi ni Miles sa kaniyang social media account, tila nahagip daw ng camera ang repleksiyon nito sa salamin.

Pero ayon sa kaniya: “Hindi ‘yon si Elijah. Mga kapatid ko po ‘yon. Saka parents ko. Family time.”

Relasyon at Hiwalayan

May pa-I love you pa: 'Higupan' nina Kitty Duterte, Vic Singson kinakiligan!

“Pero nag-uusap na kayo ulit?” tanong kay Miles.

“Yes, yes,” sagot niya.

“Kayo na ulit,” usisang muli sa aktres.

Tugon naman ni Miles: “Let’s see. We’re working on it.”

 Matatandaang Nobyembre 2023 ay kinumpirma ni Elijah ang tungkol sa hiwalayan nila ni Miles.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na