Patuloy pa ring nakaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa bansa ngayong Martes, Marso 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang easterlies, maging ang localized thunderstorms, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, ayon kay PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda, inaasahang muling mararanasan ang epekto ng northeast monsoon o malamig na hanging amihan sa ilang bahagi ng Luzon pagdating ng Miyerkules, Marso 20, at Huwebes, Marso 21.