September 27, 2024

Home BALITA National

PNP, naka-heightened alert para sa Holy Week

PNP, naka-heightened alert para sa Holy Week
(PNA File Photo)

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Isasailalim na sa heightened alert status ang buong hanay ng pulisya simula sa Marso 24 (Palm Sunday). 

Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, tuwing Semana Santa ay naka-alert status ang kanilang hanay upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Nilinaw ng opisyal, wala pa silang namo-monitor na banta sa seguridad habang papalapit ang Holy Week.

Nauna nang nangako ang PNP na nasa 34,000 pulis ang ipakakalat sa mga tourist destination, transport hubs, at areas of convergence, kabilang ang mga simbahan ngayong Mahal na Araw upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.