Mahigit sa ₱107 milyong pinagsamang jackpot sa 6/58 Ultra Lotto at 6/49 Super Lotto draw ang hindi pa rin napapanalunan sa magkasunod na draw nitong Marso 17 ng gabi.
Hindi nahulaan ang winning combination na 48-30-06-37-52-14 na nasa 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo kung saan aabot sa ₱49.5 milyon ang jackpot nito.
Umaabot naman sa ₱58,052,691.60 ang jackpot sa 6/49 Super Lotto na may number combination na 02-37-27-03-36-39.
Tataas pa ang jackpot ng Ultra Lotto at Super Lotto sa susunod na draw, ayon pa sa PCSO.