Naloka ang mga netizen kina Piolo Pascual at Kyle Echarri matapos bumungad ang kanilang mga hubad-barong katawan, sa video na nakunan ng aktres na si Mylene Dizon.

Sa Instagram post ni Mylene, tila kinatok siya ng dalawa at tinatawag.

"Ano bang kailangan n'yo sa akin? Bakit n'yo ko ginaganito?" nasambit na lang ni Mylene sa dalawang hunk na nakabalandra sa pinto niya.

"Ako ang kailangan ninyo? Oh my God. Wait lang," ani Mylene sabay tawa.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Napahalakhak din ang dalawa sa sinabi niya.

Kinilig naman ang mga netizen sa pa-abs ng dalawa.

"Dumating na pala ang mga parcel ko😂"

"Wow talap talap hahahaha."

"Baka gusto nyo po ng kasama? 😂 😂"

"Mapapalunok ka na lang"

"Paki sabi po, sakin nalng sila kumatok. Welcome po sila, lalo na si Papa P 🤪"

Magkakasama ang tatlo sa upcoming at malaking serye ng ABS-CBN na "Pamilya Sagrado" na malapit nang mapanood.

Isang netizen naman ang nang-intriga sa dalawa kung bakit lagi raw silang magkasama lately.

"Napansin ko lang, palaging magkasama yang si piolo at kyle," saad ng netizen.

Mismong kapwa mga netizen na ang sumalag para sa kanilang dalawa.

"Ay di ka updated"

"maissue ka te..napaka tOxic mO.."

"may ginawa silang movie (the ride), may shooting sila ngayon na new serye (Pamilya Sagrado) and same management sila (@cornerstone )"

"need mo din magbasa ng mga showbiz news hindi puro chismis"

"malamang magkasama sila sa teleserye Pamilya sagrado ang title at may movie sila before kaya nagkakasama sila. okay na?"

Segunda naman dito ni Mylene, "tamaaaaaa"

Dahil kinuyog, nagpaliwanag naman ang netizen na nagbigay ng "malisya" sa dalawa.

"wala pong issue,wag madumi isip,im a fan of piolo since JudayPiolo days,nakakshock ang response hahaha,pero nakakatuwa."

"something to look forward to,knowing papa p at promising din si kyle❤🙌," aniya pa.

Pero buwelta pa ng isang netizen, "ay hindi maganda yang comment mu bakla whether you ask it with bad intentions or not. Wag ka mag alala di kayo mag katulad. Wholesome yan sila."

MAKI-BALITA: Piolo at Kyle nangatok, nanggising, nagpatakam ng abs

Noong Marso 2023 ay una nang ibinida ng dalawa ang pagsasama nila sa work-out, bilang paghahanda na rin sa mga proyekto nila together.

"Day 6, since we started working out," caption ni Papa Pi sa video.

Kaloka ang mga netizen talaga!