Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Sabado ng hapon, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:20 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 84 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan, na may lalim na 25 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring pagyanig.