Wala pa ring tumatama sa mahigit 
₱129 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules, Marso 13.

Ito ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes at sinabing walang nakahula sa 6 digit na winning combination na 13-42-35-27-33-30.

Dahil dito, inaasahan na ng PCSO na lolobo pa ang premyo sa susunod na draw nito.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang mahigit sa ₱698 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya nitong Enero 17

makaraang mahulaan ang winning number combination na 24-50-52-09-51-03.

Binobola ang Grand Lotto kada Lunes, Miyerkules at Sabado.