Naglabas ng pahayag ang Department of Tourism (DOT) kaugnay sa viral na resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Sa pahayag ng DOT,  hindi accredited bilang tourism establishment ang Captain's Peak at wala ring nakabinbing aplikasyon para sa accreditation nito.

Binanggit ng ahensya, matagal na nilang pinaaaksyunan sa Bohol Provincial Government ang usapin.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Sinusuportahan din ng DOT ang pangangalaga ng Chocolate Hills na idineklarang UNESCO Global Geopark at nagsisilbing national pride ng Pilipinas.

Matatandaang naglabas ng temporary closure order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa resort dahil sa mga paglabag nito.