Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay upang magbigay ng seguridad sa mga biyahero sa panahon ng summer vacation.

Ito ang pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame nitong Martes at sinabing ia-activate nila ang Oplan Ligtas Summer Vacation bago pa dumagsa ang mga uuwi ng probinsya sa Holy Week.

Sa ilalim ng Oplan Ligtas Sumvac, dapat na paganahin ng lahat ng regional at provincial police office ang kanilang contingency plan at palawakin din ang pagpapakalat ng mga tourist police sa pakikipagtulungan ng local government units (LGUs), at Department of Tourism (DOT).

"Kasama sa babantayan natin ay yung ating mga major transportation terminals, kasama na diyan ang mga airport, pantalan, expressways at yung mga major transport points, yung mga convergence areas at siyempre kasama din sa babantayan natin since summer vacation pumapasok diyan yung Holy Week, so doon sa mga simbahan natin particularly kapag nag-start yung Visita Iglesia ay maglalagay din tayo diyan kasama na diyan yung paglalagay natin ng PADs (police assistance desks) sa mga terminal at mga simbahan at siyempre doon sa mga tourist spots," anang opisyal.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Idinagdag pa ni Fajardo, kabilang sa ipakakalat ang 7,000 tourist police officer na itatalagang magbantay sa mga tourist hub.

PNA