"Mommy Jane, I love you!"

Naniniwala si "FPJ's Batang Quiapo" lead star-director Coco Martin na ang paruparong kumapit sa damit niya ay si Jaclyn Jose, nang ihatid na nila ito sa huling hantungan.

Sa kuhang video ng kaanak ni Jaclyn na si Julie Eigenmann, makikitang isa sa mga paruparo ang dumapo sa puting polo shirt ni Coco. Ang mga paruparong ito ay pinalipad nila matapos ang inurnment.

Mapapanood ang video nito sa ">YouTube channel ng ABS-CBN News.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tuwang-tuwa naman si Coco at nagsabing "Mommy Jane, I love you!"

"Mary Jane Santa Ana Guck" kasi ang tunay na pangalan ng aktres.

Sa pamahiing Pilipino, ang paruparo sa lamay o kaya naman sa libing ay kaluluwa raw ng namayapa.