Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang kaniyang nasagap umanong bagong balita mula sa Viva  tungkol sa rumored couple na sina  Xian Lim at Iris Lee.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Marso 10, sinabi ni Ogie na 2022 pa raw nagsimula ang ugnayan nina Xian at Iris.

“Noong 2022 pa pala raw nagsimula ‘yong Iris at Xian Lim. So, hindi natin alam kung sila na ba or magkaibigan lamang? Or getting to know each other lamang sila? Or something was happening na? Hindi natin alam, ‘no,” saad ni Ogie.

“Pero 2022 pa raw ‘yan. Sabi, e, ‘yong ‘Hello Universe’ na dinirek ni Xian Lim ay nando’n na siya [Iris], mga July 2022 daw,” aniya

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Tanong tuloy ng co-host ni Ogie na si Dyosa Pockoh: “E, Tito Ogie kung sakali mang tunay ‘yan, ibig sabihin 2 years na silang nagkakamabutihan?”

“Hindi ko alam,” sagot naman agad ni Ogie, “kasi baka magkaibigan lang sila noon.”

“Pero siguro ang makakasagot niyan, e, si Iris mismo at si Xian Lim. Ano ba ang totoo sa petsa?” dagdag pa niya.

Nagsimulang umugong ang pangalan ni Iris bilang bagong babaeng nagpapatibok sa puso ni Xian sa showbiz-oriented vlog din ni Ogie noong Disyembre. Matatandaang kamakailan lang ay nakita raw ng ilang Pilipino na magkasama sa Thailand ang dalawa.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

MAKI-BALITA: Sila na ba? Xian Lim, Iris Lee ‘HHWW’ raw sa Thailand

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang mga balitang ito.