Palaisipan para sa ilang fans ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang nakasulat na “One Last Time” sa kaniyang poster concert.

Kaya sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, tinanong niya si Gary kung pagpapahiwatig na ito ng kaniyang pagreretiro.

“Alam mo itong title na ‘Pure Energy,’ wow! Pero ‘yong nakitang ‘One Last Time,’ alam ko maraming nagtatanong: ‘Ha? ‘Di na siya magpe-perform? Magre-retire na?’” saad ni Gary.

Kaya paglilinaw niya: “I did not say I was going to retire. Hindi ako magre-retire. I think kung ‘yan ang ginawa ko, pati si Lord magsasabi na: ‘Teka, wait, anak. Sandali. Hindi mo pa panahon para mag-retire.’” 

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

“Basta’t tumitibok pa rin ang puso ko. Tuloy-tuloy pa rin. Gagawin ko at gagawin ko ang lahat ng kailangan kong gawin until this hearts no longer beats. That’s it,” dugtong pa ni Gary.

Pero pag-amin ni Gary sa unang bahagi ng panayam na gaya ng isang karaniwang tao ay napapagod din daw siya lalo na ngayong magse-senior citizen na siya at may iniinda pang karamdaman.

Matatandaang noong Disyembre 2022 ay labis na nag-alala ang mga netizen sa kalagayan ni Gary matapos nitong mag-tweet ng dasal para sa kaniyang kalusugan.

MAKI-BALITA: Gary Valenciano, nag-tweet ng dasal para sa kaniyang kalusugan; mga netizen, labis na nag-alala