Tila kakaibang level ang ipinakitang performance ng miyembro ng K-Pop girl group na BLACKPINK na si Lisa, o Lalisa Manoban, sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.
Matapos ito ng naging pagtuntong ni Lisa sa stage ng Coachella noong Biyernes (araw sa California), Abril 17, 2026, kung saan kinanta niya ang collab song nila ng DJ at producer na si Anygma na “Bad Angel.”
Sa naturang performance kasi ni Lisa, mapapanood sa live ng Coachella sa kanilang YouTube channel ang paglalakad Computer-Generated Imagery (CGI) ng imahen ni Lisa mula sa malaking screen ng event patungo sa gitna ng stage.
Screenshot mula sa Coachella.
Tila futuristic at out of this world ang naging tagpo ng pagtatanghal ng K-Pop idol na si Lisa at tila hindi napigilan ng maraming fans ang kaniyang pasabog.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga BLINK mula sa naging pagbabahagi ng BLACKPINK sa kanilang “X” account ng naging performance ni Lisa:
“Not the CGI aura farming with her #LISACHELLA”
“This is equal parts fascinating and terrifying lol”
“Lisa is ALWAYS WORKING BAD ANGEL WITH LISA”
“No doubt for Lisa she's the best”
“The best member of blackpink showed out!”
“LISACHELLA is real. That angel wings production is next level!”
“OMG her costume is stunning!!!!! The production wow!!!”