Patay ang isang lalaking senior citizen matapos gilitan ng 59-anyos na kapatid dahil lamang sa poste ng ilaw sa Barangay Apas, Cebu City kamakailan.

Dead on the spot ang biktima dahil sa laslas sa kanyang leeg, ayon sa Mabolo Police Station 4 ng Cebu City Police Office.

Kaagad namang inaresto ng pulisya ang suspek na kapitbahay ng biktima sa Central Command sa nasabing lugar.

Sa police report, ang insidente ay naganap dakong 11:00 ng umaga nitong Marso 7.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtalo umano ang magkapatid dahil sa ililipat na poste ng ilaw malapit sa bahay ng suspek.

Nang umuwi ang biktima ay sinundan ito ng suspek at ginilitan.

Nahaharap na sa kasong murder ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.