Mapapanood na sa Netflix ngayong Marso ang murder mystery series ng GMA Network na "Royal Blood," na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ang "Royal Blood" ay kwento ni Napoleon o Napoy (Dingdong), na isang illegitimate child ng isang business tycoon, na nagtatrabaho bilang motorcycle rider para matugunan ang pangangailangan niya at ng kaniyang anak na babae.

Nagkaroon ng hindi inaasahang pagbabago sa buhay ni Napoy nang muling lumitaw ang kaniyang nawawalang ama na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III), na sinusubukang bumawi sa ilang taon niyang pagpapabaya.

Gayunman, itinuturing si Napoy ng kaniyang mga half-siblings bilang banta sa kanilang mamanahin. Naging kumplikado ang lahat nang patayin ang kaniyang ama at siya ang itinuturong pangunahing suspek.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Ang naturang teleserye ay kinabibilangan din nina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos.

Mapapanood ang Royal Blood simula Marso 15 sa Netflix.