Ipinag-utos na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na i-audit ang rice buffer stocks ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng kontrobersyal na bagsak-presyong bentahan nito sa malalaking negosyante.

Kinumpirma ni Laurel na inatasan na niya ang Internal Audit Service ng DA na pag-aralan ang book of accounts ng NFA.

Binanggit ni Laurel, sisimulan ang pag-audit sa rice stocks disposition ng NFA mula 2019 kung saan ipinasa ang Rice Tariffication Law.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Binanggit na hindi pinapayagan ng RTL na magbenta ng bigas ang NFA, salungat sa naging hakbang ng nasabing ahensya.

Kamakailan, sinuspindi ng Office of the Ombudsman ang 139 opisyal at empleyado ng NFA upang hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa usapin.