Pumanaw na ang creator ng “Dragon Ball” na si Japanese manga artist Akira Toriyama sa edad na 68, ayon sa kaniyang production team nitong Biyernes, Marso 8.

Inanunsyo ng production team ni Toriyama na “Bird Studio” ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang X post sa official page ng Dragon Ball.

Ayon sa Bird Studio, pumanaw si Toriyama noong nakaraang Biyernes, Marso 1, dahil sa “acute subdural hematoma.”

"It's our deep regret that he still had several works in the middle of creation with great enthusiasm. Also, he would have many more things to achieve,” anang production team ng manga artist.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“However, he has left many manga titles and works of art to this world, he has been able to continue his creative activities for over 45 years. We hope that Akira Toriyama's unique world of creation continues to be loved by everyone for a long time to come,” dagdag nito.

Isinagawa raw ang funeral kasama ang pamilya at malalapit lamang na kamag-anak ni Toriyama.

“Following his wishes for tranquility, we respectfully inform you to refrain from conducting interviews with his family,” anang Bird Studio.

“Future plan for commemorate gathering in not decided, we will let you know when it’s confirmed. We deeply thank you for you understanding and support as always,” saad pa nito.

Ayon sa mga ulat, nagsimula ang karera ni Toriyama sa mundo ng manga noong 1987.

Kasama sa mga nilikha niya ang “Dragon Ball” na unang na-serialize noong 1984. Hanggang sa kasalukuyan, ang "Dragon Ball" ay nananatiling isa sa mga best-selling at most influential manga title of all time. Sumikat ito sa iba’t ibang dako ng mundo, maging sa Pilipinas.