Ikinalungkot ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang biglang pagpanaw ng awad-winning actress na si Jaclyn Jose.

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol sa pagyao ng batikang aktres noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Vice Ganda noong Martes, Marso 5, inamin nito na may inihain umano siyang pelikula sa Star Cinema para sa kanila ni Jaclyn.

"Iba 'yong lungkot na naramdaman ko bukod sa siyempre, wala na siya. Mayr’on kasi akong dream project din with her, na pinitch ko sa isa sa mga ano sa Star Cinema. Gusto ko 'yung parang indie type na movie, pero comedy. Comedy na drama na serious na indie type na mag-nanay kami,” lahad ni Vice Ganda.

‘Maganda 'yan,’ sabi nila, ‘for a change.’ Sabi ko, ‘gusto ko ito, for ano lang, gusto kong magkaroon ng ganitong pelikula.’ E, hindi na siya matutuloy. Nakakapanghinayang kasi gusto ko talaga 'yong dalawa kami, 'yong dalawa kaming bida," aniya.

Dagdag pa ng komedyante: “Ang gusto kong project, dalawa kaming bida na mag-nanay na may kakaiba kaming dynamics. Kasi napanood ko 'yong [Kalel, 15], gustong-gusto ko 'yong pagiging nanay niya doon. Sabi ko, gusto ko na magkaroon ng ganiyang nanay sa pelikula. Yong nanay na minumura ako, 'yong ganoon.”

Matatandaang nagkasama na ang dalawa sa pelikulang “Fantastica” noong 2018. Gumanap doon si Jaclyn bilang “Perfecta” na ina ng karakter ni Vice Ganda na si “Belat.”