May mensahe ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo sa yumaong si Jaclyn Jose.

Sa isang Instagram story nitong Martes, Marso 6, nagbigay-mensahe si Philmar para sa ina ng kaniyang mapapangasawang si Andi.

"Mingawon kami sa imo samot na an mga bata, Salamat sa tanan oras sa pag alaga sa pag payangga sanan pag mahal sa amo, mahal kaw namo sanan mahalon hangtod sa hangtod," ayon sa surfer na nakabase sa Siargao.

screenshot mula sa IG ni Philmar Alipayo

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod kay Philmar, may mensahe rin ang ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito, ama ng panganay niyang anak na si Ellie.

“Of her many iconic roles, being a grandmother was one she cherished the most, especially to Ellie,” ani Jake. “I surely wouldn’t have survived those early years of fatherhood without your guidance. We rolled with the punches together— anything and everything just for Ellie.”

Maki-Balita: Jake Ejercito, ginabayan ni Jaclyn Jose kung paano maging ama

Matatandaang nagulantang ang showbiz industry at ang publiko sa pumutok na balita kaugnay sa biglang pagpanaw ng batikang aktres. Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol dito noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management na PPL Entertainment, Inc.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Kinabukasan, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para isiwalat ang dahilan ng pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina