"I surely wouldn’t have survived those early years of fatherhood without your guidance."

Ito ang parte ng mensahe ng aktor na si Jake Ejercito para sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Marso 5, nagbigay-mensahe si Jake para sa lola ng kaniyang anak na si Ellie.

"Of her many iconic roles, being a grandmother was one she cherished the most, especially to Ellie," ani Jake.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi raw siya makaka-survive noon bilang isang ama kung hindi dahil sa paggabay ng batikang aktres.

"I surely wouldn’t have survived those early years of fatherhood without your guidance. We rolled with the punches together— anything and everything just for Ellie."

Nangako naman si Jake kay Jaclyn na gagawin niya ang lahat para kay Ellie.

"You’ve left a void in Ellie’s heart that we could only attempt to fill for the rest of our days. But I’ll give it my best shot and make sure she’ll be ok.

"Maraming salamat sa lahat, tita. You were loved, specially by your Ellie," pagtatapos niya.

Matatandaang nagulantang ang showbiz industry at ang publiko sa pumutok na balita kaugnay sa biglang pagpanaw ng batikang aktres.

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol dito noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management na PPL Entertainment, Inc.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Kinabukasan, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para isiwalat ang dahilan ng pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina