Isang magnitude 5.0 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Marso 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:15 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 169 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Intensity III - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Malungon, SARANGANI

Intensity II - Alabel, Maasim, SARANGANI; Digos City, DAVAO DEL SUR

Intensity I - Tupi, T'Boli, SOUTH COTABATO; Glan, Kiamba SARANGANI; Matanao, DAVAO DEL SUR

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.