“I’ll follow you into the dark 🖤⁣”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng pagsasama ng dalawang galaxy sa constellation Canes Venatici.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na matatagpuan ang constellation Canes Venatici o ang “Hunting Dogs” sa layong 25 million light-years mula sa Earth.

Ayon sa NASA, ang galaxy na nasa kaliwang larawan ay tinawag na “Whirlpool galaxy” dahil sa umiikot na istraktura nito, habang ang nasa kanan ay ang “NGC 5194.”

Mahigit 100 milyong bituin, nakuhanan sa Andromeda galaxy

Makikita sa larawan ang pagdaan ng Whirlpool galaxy sa harap ng NGC 5194, na tila nag-uunat daw sa “mahahabang braso” ng spiral galaxy.

“The gravitational waves from NGC 5194 ripple within the Whirlpool galaxy, creating clouds of dust and gas, which collapse into newly-forming stars, shown in pink,” anang NASA.

“The Whirlpool’s most massive stars battle torrents of radiation and stellar wind, dotting the galaxy’s arms in dots of blue,” saad pa nito.

Kamakailan lamang, nagbahagi naman ang NASA ng larawan ng Andromeda galaxy kung saan makikita ang mahigit 100 milyong mga bituin.