Nagbigay na ng reaksiyon ang singer-actress na si Rachel Alejandro hinggil sa pag-viral ng kaniyang beach photo at "nandogshow" na kamukha raw niya si dating Vice President Atty. Leni Robredo.

MAKI-BALITA: ‘Leni Robredo multiverse?’ Beach photo ni Rachel Alejando, kinuyog ng netizens

Sa isang panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Rachel na isang compliment para sa kaniya na maihambing sa dating bise presidente, na aniya ay ina-admire niya.

Hindi na bago kay Rachel ang bagay na ito dahil apat na taon na ang nakalilipas, naging viral din ang swimsuit photo niya at dumagsa rin ang nagsabing kahawig niya si Atty. Leni. Nagtataka nga raw siya kung bakit sa tuwing nagpo-post siya ng swimsuit photo, saka naman siya naa-associate sa dating pangalawang pangulo.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

"Reaction ko lang is, wala (natawa), netizens, nakakatawa kayo... I just love it that you know, we Filipinos find the funny in everything, anything and everything... How do I feel being compared to [ex] VP Leni? I admire her, I respect her, I think she's very pretty, so it's definitely a compliment para sa akin, para sabihin na kahawig ko siya, I think 'yong mata eh, 'di ba (natawa) 'yong ano, big eyes," aniya.

Kung mabibigyan naman daw siya ng pagkakataong mag-portray bilang Leni Robredo sa isang biopic movie para dito, definitely daw ay papayag siya.