May pabirong hirit ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad sa isa sa mga latest social media post niya nitong Sabado, Marso 2.

Sa ibinahaging video ni Nikko sa kaniyang Facebook account, matutunghayan ang todo-bigay niyang performance sa isang event sa saliw ng musikang “Kiss Me Thru The Phone” ni Soulja Boy.

“Sarap pala sumayaw ng naka formal wear. Gasgas ang itlog😅” saad ni Nikko.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Angas parang sayaw”

“Juzme kaya pala halata idol hahaha”

“Aliw hahaga”

“Mag brip ka po ng Medyu makapal😂”

“aiii gasgas nga 🤣🤣🤣”

“Galing talaga sumayaw”

“Baka na crack🤣”

“Magaling na dancer niko ♥️”

“Ang angas nmn”

Patunay ito na sa kabila ng mga kalokohan sa buhay, hindi maitatanggi ang lutang na talento ni Nikko lalo na sa pagsayaw.

MAKI-BALITA: Matapos manalo bilang ‘Gandang Lalaki:’ Nikko, dumami ang kamag-anak