April 23, 2026

Home BALITA National

FPRRD malungkot: 'Wala akong ginawang masama'

FPRRD malungkot: 'Wala akong ginawang masama'
Photo courtesy: File Photo, Alvin Sarzate (YT)

Ibinahagi sa publiko ng bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte ang tungkol sa latest na naging pag-uusap nila ng kaniyang ama. 

Ayon sa inilabas na panayam ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate o mas kilala bilang “Alvin & Tourism” sa kaniyang YouTube channel kay Kitty sa The Hague, Netherlands, noong Lunes, Abril 20, 2026, sinabi ng huli na mukha naman daw mabuti ang kalagayan ni FPRRD sa detention center ng International Criminal Court (ICC).

“He looks good, his skin looks good, he eats enough, and I think he has adjusted better already. Although again, nothing is ideal in this situation,” pagsisimula niya. 

Ani Kitty, medyo nakakaramdam lang daw ng kalungkutan si FPRRD at sinabi ng huli na wala raw siyang ginawang masama. 

“He feels a bit lonely sometimes. He did mention kanina. I think he was a bit sad while saying this, he said, ‘At least you won’t be embarrassed at me kasi wala akong ginawang masama,” kuwento niya. 

National

'Pumunta po kayo rito!' Rep. Abante, hinamon si VP Sara

Pagpapatuloy ni Kitty, sinabi raw niya sa kaniyang ama na ipinagmamalaki nilang magkakapatid na si FPRRD ang kanilang naging tatay. 

“I held his hand and said, ‘Papa, no one’s embarrassed at you. All five of us, including me, are very proud to be your flesh and blood [and] everyone outside,’” aniya.

Saad pa niya, nagawa rin daw niyang ipakita ang litrato ng mga nakasama niyang Duterte supporter kay FPRRD mula sa iba’t ibang mga Facebook page upang ipakitang marami pa rin ang sumusuporta sa kaniya. 

“I told PRRD that all of you are here. I even sent him some of our pictures from different Facebook pages showing me with supporters,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, matatandaang nakatakdang ihatid ng korte ang hatol sa apela ni Duterte hinggil sa agam-agam nito sa hurisdiksyon ng ICC pagpatak ng Abril 22, 11 a.m.

Nauna naman nang humiling ang kampo ni FPRRD sa ICC Appeals Chamber na pahintulutan siyang hindi dumalo sa pagdinig na nakatakdang gawin sa Abril 22.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, umapelang hindi makakadalo sa ICC hearing sa Abril 22

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, umaasang masuklian loyalty at suporta ng nagmamahal sa kaniya!