Patay ang isang estudyante nang malunod habang naliligo sa Wawa River sa Rodriguez, Rizal nitong Huwebes ng hapon.

Wala nang buhay ang biktimang nakilala lang na si Sherwin James Monleon nang matagpuan ng rescue team.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Wawa River, sa Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael, sa Rodriguez.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at kanyang mga kaklase na magpiknik at maligo sa ilog.

Gayunman, napadpad umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog, sanhi upang mapagod ito sa paglangoy at tuluyang anurin ng malakas na agos patungo sa gitna ng ilog.

Nakita naman umano ng mga kasamahan ng biktima ang pangyayari kaya't kaagad na humingi ng tulong.

Mabilis na nagsagawa ng search and rescue ang mga awtoridad mula sa Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal, MDRRMO at Philippine Cost Guard (PCG) ngunit bangkay na ng matagpuan ang biktima dakong alas-10:35 ng gabi.

Dakong alas-12:20 naman ng madaling araw nitong Biyernes nang maireport ang pangyayari sa pulisya.