Isang magnitude 5.9 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Surigao del Sur dakong 5:29 ng hapon nitong Biyernes, Marso 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Intensity III - City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Intensity II - Nabunturan, DAVAO DE ORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.