National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Nanawagan ang isang kongresista na dapat lamang na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagsasampa ng diplomatic protest laban sa China sa gitna ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang radio interview, naniniwala si House Special Committee on the WPS chairman, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II,  ito lamang ang nakikita niyang hakbang upang ipakita sa buong mundo na hindi nananahimik ang Pilipinas sa patuloy na pangha-harass ng China sa mga tropa ng pamahalaan na nagbabantay sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Reaksyon ito ng kongresista sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Miyerkules na nakababahala ang report ng Philippine Coast Guard (PCG) na tumaas ang insidente ng communication interference sa tracking signal ng mga barko ng Pilipinas sa WPS.

Tatlo ring warship ng People’s Liberation Army Navy ng China ang namataan sa bahagi ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) kamakailan.

“Nagkakaroon naman ng diplomatic protest because while some might view wala naman nangyayari sa diplomatic protest na yan because in fact, by this time siguro we have made and dami nang diplomatic protest but wala pa ring action… because we have to show to the world that we are not relinquishing our claim. Kasi… for us to be silent, pag may ginawang ganito, hindi na natin pinapansin, edi yung mga countries who are supportive of our cause will also lose… interest,” pagdidiin pa ng kongresista.