Napapatanong ngayon ang mga netizen kung sino ang tinutukoy ng director-writer na si Rod Marmol kung sino ang aktres na nagpasulat sa kanila ng mga kasamahan ng isang full-length script subalit hanggang ngayon ay wala pa raw bayad sa kaniya.

Sey niya sa X, "Tigas ng mukha nitong actress na nagpasulat sa amin ng full-length script years ago habang nasa Korea kami at supposedly nagbabakasyon (na ang tagal namin pinag-ipunan) tapos hindi nagbayad kahit singkong duling kesyo hindi raw natuloy (her fault, not ours).

https://twitter.com/rodmarmol/status/1762426665635082561

"TAPOS biglang nangungumusta ngayon kesyo naalala raw niya yung isa pa naming concept from years ago HAHA bakit po??? ipapasulat mo ulit tapos di mo babayaran?? galing mo ma'am kurutin kita sa silicone eh."

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

https://twitter.com/rodmarmol/status/1762426668126453767

Sa isa pang X post, nilinaw ni Marmol na hindi ang artistang may inisyal na "TG" ang tinutukoy niya. Nilatag din niya ang mga dahilan kung bakit hindi niya puwedeng pangalanan ang aktres na tinutukoy.

Nangako raw siya sa mentor niya na naging dahilan kung bakit sila nagkakilala na patatawarin na lang niya ito. Pinatawad naman niya subalit hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa nito, lalo't muling nangumusta.

Sunod daw, wala na raw siyang name ngayon at kung pangalanan pa niya ay baka muli raw umingay. "May she forever be a starlet," aniya pa.

Nagpahayag lang daw siya ng nararamdaman niya sa X gaya ng purpose ng nabanggit na social media platform. Nagulat lang din umano ang director-writer na muling nagparamdam sa kaniya ang aktres.

Si Marmol ang nasa likod ng pelikulang "Cuddle Weather" at "The Cheating Game."

Sino nga kaya ang aktres na ito?