Nasa mahigit ₱200 milyon ang naipamahagi na sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa Northern Samar kamakailan.

Ang naturang tulong ay bahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa 12 local government unit (LGU) sa naturang lalawigan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Eastern Visayas.

Kabilang sa mga nasabing lugar ang Lavezares, San Jose, Palapag, Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Mapanas, Rosario, Lope de Vega, Laoang at Silvino Lubos.

Tiniyak din ng DSWD na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa iba pang bayan sa rehiyon.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang lumubog sa baha ang malaking bahagi ng lalawigan kasunod na rin ng matinding pag-ulan na dulot ng shear line noong Nobyembre 2023.