Isa ang nanalo ng mahigit ₱15 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Pebrero 29.

Gayunman, hindi muna isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung taga-saan ang nasabing bagong lotto winner.

Nahulaan ng nasabing mananaya ang 6 digit winning combination na 05-21-03-33-30-41.

Pinayuhan ng PCSO ang nanalo na kubrahin ang premyo sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang winning ticket at dalawang valid identification (ID) cards.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nasa 20 porsyento ang kakaltasin sa premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ayon pa sa PCSO.