Nagulat ang fans at followers ni Maris Racal nang mag-post siya tungkol sa "SnoRene."

Ang SnoRene ay nabuo at pumatok na tambalan nila ni Anthony Jennings sa seryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang "DonBelle."

Hindi inaasahang makikita ang chemistry sa dalawa dahil sa husay nila sa aktingan at camaraderie kapag on-screen na, lalo't magkaiba pa ang personalidad at karakter na kanilang pino-portray.

Well commended si Maris sa pagganap bilang si "Irene Tiu," isang mayaman at sosyalera, habang si Anthony naman ay kinagigiliwan dahil sa kuwela niyang pagganap at mga hirit bilang si "Snoop."

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sa panayam nga sa kanila, na-reveal na ang ilang mga batuhan nila ng linya at adlibs lang.

MAKI-BALITA: Iconic ‘mama mo’ scene nina Maris Racal at Anthony Jennings, wala raw sa script

Sa galing din nila, may isyung nasasapawan na raw nila ang DonBelle, kaya nagmumukhang sila na raw ang inaabangan sa serye at hindi ang lead.

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

MAKI-BALITA: Donny, nag-react sa isyung nasasapawan nina Maris at Anthony ang DonBelle

MAKI-BALITA: Anthony, nagsalita sa isyung sinapawan na nila ni Maris ang DonBelle

MAKI-BALITA: Maris Racal inakusahang sumasakay sa kasikatan ng DonBelle

Pero paglilinaw naman nila, walang ganoon sa part nila dahil ginagawa lang nila ang trabaho at inaasahan sa kanila. Isa pa, in good terms daw silang lahat kaya walang sapawan.

Anyway, nagtataka ang fans ng SnoRene kung ano ang ibig sabihin ng Facebook post ni Maris. Ibig bang sabihin, hindi na magpapakilig ang tambalan?

"that’s it for snorene 💩🤍"

"salamat sa pagmamahal 🙂," aniya.

Batay sa comment section, parang ayaw pang maka-get over ng mga netizen at sana raw ay ma-extend pa ang pagpapakilig ng SnoRene.

"Noooooooo"

"Don't tell me wala nang scenes? My heart huhu."

"More scenes pa sana, mas marami pa ngang nag-aabang sa inyo."

"Breath of air nga kayo sa serye eh, pero huwag natin i-invalidate ang galing ng DonBelle."

Pero baka ang tinutukoy ni Maris ay ang eksenang natuklasan nilang hindi pala siya buntis kay Snoop at malilipat na rin si Irene ng training ground, batay na rin sa sinabi ni Achi Cathy na ginagampanan ni Celeste Legaspi.

Well, abangan na lang ang mga susunod na kabanata!