Nilinaw ng South Korean host ng "Tahanang Pinakamasaya" na si Dasuri Choi na hindi siya naging third party sa relasyon nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, o sa kahit na kaninong relasyon.

Nag-ugat ang tsikang ito nang kumalat ang isang larawan kung saan magkakasama sila nina Mavy, kambal nitong si Cassy Legaspi at nali-link ditong si Michael Sager, sa isang restaurant.

Pinaratangan tuloy silang "double date" daw ang nangyayari.

Ang totoo raw niyan, bukod sa kanila ay kasama rin nila ang iba pang co-hosts ng noontime show na sina Paolo Contis at Winwyn Marquez.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

"I think they’re talking about the issue late last year. So, I’m officially saying I’m not the third party, okay? I will never try to be a third party in my life because I didn’t grow up like that. I was raised by my parents na super, super, super bait. Wala talagang mangyayari sa’kin na maging third party, okay?” aniya sa kaniyang ">latest vlog.

"But for the issue naman, I just want to make it clear because I never had the chance to talk about it.”

"Di ko alam na maging big talaga ‘yong deal na ‘yon, so I didn't react at first pero naging big pala ‘yong issue na ‘yon kasi nga parang ako daw ‘yong third party, parang may double date pa daw ako. Why would I do that? Close kami lahat eh. Parang you will never think na ‘Hala, baka naman may chance na ganyan-ganyan.'"

“It’s nothing. It’s nothing talaga. Kaya wala akong paki basta I'm doing right and I'm not–parang hindi ako nahihiya sa parents ko and family ko. That’s it,” paliwanag pa niya.

Matatandaang naging usap-usapan ang hiwalayang Mavy at Kyline noong 2023 subalit wala pang kumpirmasyon mula sa kanila.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin